May 9, 2010

Para Sa'Yo Mama


Para sa panahong ako'y iyong inalagaan at iningatan
Para sa panahong ako'y iyong binantayan
Para sa mga beses na ako'y iyong tinawagan upang siguraduhing ako'y ligtas at masaya, na ang tangi mo lang maririnig ay "Ma sige na, mamaya na lang."
Para sa mga araw na mas pinipili ko pang kausapin ang ibang tao kaysa kwentuhan ka ng mga nangyari sa buong araw ko
Para sa bawat paalala mo na iniisip kong mali
Para sa lahat ng sinakripisyo mo maibigay mo lang lahat ng naisin ko
Para sa lahat ng paghihirap na para sayo sapat na ang mga halik at yakap namin sa'yo
Para sa pagmamahal mo na alam kong kahit kailan ay 'di ko mapapantayan

Maraming salamat po!

Ma, hindi ko man mapadama sayo buong taon ang tunay na halaga mo sa buhay ko, sana sa araw na to mapasaya kita kahit minsan sa buhay mo. Ngayong kaya ko na, sisiguraduhin kong ikaw naman ang bida! Mahal na mahal kita at ipinagmamalaki kong ikaw ang Mama ko!

1 comment:

  1. i'm sure naantig ang puso ng mama mo sa maganda mong message :)

    ReplyDelete

Hello there! Hope you're having a good time on my blog. I would love to hear your thoughts, feel free!

Related Posts:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...